Sunday, July 29, 2012

HISTORY: Sinaunang Greece


ANG SINAUNANG GREECE
KALAGAYANG HEOGRAPIKAL
Greece
·         Timog silangan ng Europe
·         Timog ng Balkan Peninsula
·         Hindi nabiyayaan ng yamang likas
·         75% ng bansa ay puro kabundukan
·         Mabato at hindi patag ang lupain
·         Tulay sa pagitan ng Europe at asya
·         Ionian, Aegean, Mediterranean Sea

SINAUNANG KASAYSAYAN NG GREECE
KABIHASNANG MINOAN
·         Crete – dito umusbong pamayanang Minoan
- timog na bahagi ng Peloponnesus
1. Mataba ang lupa
2. Mainam pagtaniman ng barley, trigo at ubas
3. Sagana sa yamang gubat
·         Haring Minos – “Minoan”
- pinakadakilang hari ng Crete
·         Magagaling na manlalayag
·         Mahusay na ugnayang pangkalakalan
·         Arthur Evans – arkeologong Ingles
- natuklasan ang mga labi ng Knossos
·         Knossos – maunlad na lungsod ng Minoan
- may palasyo na may 3 palapag; ang mga pader ay napapalamutian ng iba’t ibang makukulay na larawan at disenyo; mahigit 800 silid at may mainam na drainage system
- maaaring humina dahil sa paglindol, pagkasunog , o pananalakay ng dayuhan

KABIHASNANG MYCENAEAN
·         Orihinal na mamamayan ng Greece
·         Mula sa Katimugang Russia
·         Mycenae – pangunahing lungsod
·         Mahilig sa pakikidigma
·         Punong militar – namahala sa mga lungsod
·         Gumamit ng kalasag, sibat, espada
·         Napaliligiran ng matataas na pader
·         Pakikipagkalakalan – kabuhayan
·         Nakipag-ugnayan sa Minoan:
1. Paggawa ng mga barko
2. Sistema ng nabigasyon
·         Pinalitan ang mga Minoan bilang pangunahing mangangalakal sa Mediterranean
·         Tinangkilik ang kultura ng Minoan
1. Paraan ng pagsulat
2. Sistemang nabigasyon
3. Disenyo ng banga at alahas
·         Nakipaglaban sa mga Trojan ng asia minor
·         Trojan War – sanhi: maaaring isyu sa pagkontrol ng rutang pangkalakalan sa Aegean Sea
- tumagal ng 10 taon
- batayan ng Iliad at Odyssey

KULTURANG HELLENIC
·         Iliad – digmaan ng Greek at Trojan
1. Paris – prinsipe ng Troy
2. Helen – asawa ng hari ng Greece
3. Achilles – pinakamahusay na sundalong Greek
4. Trojan Horse
·         Odyssey – salaysay ng mga pangyayari kay Odysseus sa kanyang pagbabalik sa Greece pagkaraan ng Trojan War
·         Mt. Olympus – dito nanirahan ang mga diyos
1. Zeus – pangunahin
2. Hera – asawa ni Zeus
3. Athena – karunungan
4. Aphrodite – kagandahan at pag-ibig
5. Poseidon – karagatan
6. Ares – digmaan
7. Apollo – araw
·         Olympia – dito dinaraos ang Olympics
1. Paghagis ng discus
2. Wrestling
3. Pagtakbo

PANAHON NG KARIMLAN
·         Pagtigil ng kaunlaran ng Sinaunang Greece
·         Huminto ang kalakalan sa loob ng 300 taon
·         Dorian – nandayuhan sa timog ng B. Peninsula
·         Kulturang Hellenic – “hellas” – taguri ng greek sa kanilang bansa

MGA LUNGSOD ESTADO
·         Ang dakilang panahon ng Sinaunang Greece
·         Polis – nagsasariling lungsod estado
- binubuo ng lungsod at pamayanan
- 50-500 milya kwadrado
- acropolis – tanggulan
- agora – pampublikong liwasan
- kilalang Polis: Athens, Sparta, Thebes, Corinth
- may sariling paraan ng pamumuhay
- phalanx – hukbong nangangalaga sa Polis
- iba’t ibang paraan ng pamamahala
·         Mga sistema ng Pamahalaan
1. Monarkiya – hari/reyna; isang namamahala
2. Aristokrasya – pangkat ng mga maharlika
3. Oligarkiya – makapangyarihang tao sa estado
4. Demokrasta – ang mamamayan ang nagpapasya

SPARTA
·         Tirahan ng pinakamahuhusay na mandirigma
·         Timog na bahagi ng Peloponnesus
·         Dorian – lahing pinagmulan
·         Helot – katutubong ginawang mga alipin
·         Nagtatag ng pamahalaang milita upang hindi magrebelde ang helot
·         May 2 hari
·         Ephor – katuwang ng hari sa pamamahala
- lumawak ang kapangyarihan at namahala sa Sparta sa kalaunan
·         Mga pangyayari sa buhay ng lalaking Spartan
1. O taon – aalagaan ng mabuti. Kung may sakit, dadalhin sa bundok at hahayaang mamatay
2. 7 taon – ipapasok sa barracks
3. 20 taon – maaaring magkaasawa
4. 30 taon – magiging ganap na mamamayan at mandirigma. Kasama na sa asembleya.
5. 60 taon – maglingkod sa pamahalaan o mangasiwa sa barracks
·         Ang mga kababaihan ang namamahala sa bukirin at tahanan

ATHENS
·         Kanlungan ng demokrasya sa mundo
·         Sentrong komersiyal at kultural
·         Matatagpuan sa Attica
·         Pinakamalaya sa pulitika at lipunan
·         Mahihisay na edukadong mamamayan
·         Pinag-aralan ang:
1. Gramatika
2. Musika
3. Panitikan
4. Kasaysayan at paniniwala ng Greek
·         Mahusay sa pagsasalita at debate

ANG PAGSILANG NG DEMOKRASYA
·         Paglinang at pagsasakatuparan ng demokrasya
·         “demos” at “kratia” – pamamahala ng tao
·         Pinagmulan ng demokrasya
1. Ang hari ang unang namahala sa Athenian.
2. Archon – pangkat ng maharlika na naging makapangyarihan
3. Draco – isang aristokrata; nagpagawa ng unang nasusulat na kodigo ng batas
4. Solon – naging pinuno; binawasan ang kapangyarihan ng mga maharlika. Pinalaya ang mga nakulong dahil sa pagkakautang. Pinaunlad ang kalagayan ng magsasaka. Bumuo ng asembleya.
5. Cleisthenes – ikatlong tagapagtaguyod ng demokrasya. Hinati ang Athens sa maliliit na teritoryo na tinawag na “deme”.
- sistema ng ostracism – pagpapatapon ng tao sa ibang lugar

DIGMAANG PERSIYANO
SANHI
·         Nanirahan ang Greek sa baybayin ng asia Minor at tinawag na Ionian Greek.
·         Sinakop ito ng mga Persiyano.
·         Nag-alsa ang lungsod estado ng Miletus.
·         Nagdeklara ng digmaan si Haring Darius.

LABANAN:
SA MARATHON
·         Miltiades – pinuno ng Athens na namuno laban sa Persiyano
·         Pheidippides – tinakbo ang Marathon (26 miles) patungong Athens upang ihatid ang balitang pagkapanalo. Namatay pagkatapos magbalita.
·         Themistocles – pinunong Athenian
- pinatatag ang hukbong pandagat

SA THERMOPHYLAE
·         Lumusob ang Persiyano pagtapos ng 10 taon
·         Xerxes – namuno sa mga Persiyano
·         Tumagal ang labanan ng 3 araw
·         Isang taksil na greek ang nagturo sa mga persiyano ng lihim na lagusan sa kabundukan ng Thermophylae
·         Haring Leonidas – namuno  sa pagpatay sa maraming Spartans
·         Nagwagi ang persiyano at sinakop ang Athens
·         Lumikas ang Athenians sa Salamis

SA SALAMIS
·         Timog kanlurang bahagi ng Athens
·         Nilusob ng mga barkong pandigma ng mga Persiyano ang Greek sa kipot ng salamis
·         Masyadong makitid ang kipot kaya madaling napalubog ng mga Greek ang barkong Persiyano
·         Nagtagumpay ang Greek

SA PLATAEA
·         Hukbo ni Xerxes laban sa Spartan
·         Naganap sa Plataea
·         Bumalik ang Persiyano sa asia minor
·         Nagtagumpay ang Greek

BUNGA
·         Nakamit ng Athens ang ginintuang panahon
·         Delian League – alyansa ng 140 na lungsod estado. Naging pinuno ang Athens.

No comments:

Post a Comment