Sunday, July 29, 2012

FILIPINO: Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kwento


KALIGIRANG PANGKASAYSAYSAN NG MAIKLING KUWENTO
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang Maikling kwento
- maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol
- naglalaman ng mga alamat at engkanto
- panlibang sa mga bata

Pasingaw
·         Ang kapatid ng bayan – Pascual Poblete
·         Ang kaliwanagan – Lope K. Santos

Dagli – binahiran ng pangangarap, panunuligsa at pagpapasaring. Nagpapahayag ito ng pagmimithi ng Pilipino ng kalayaan
·         Elias – Rosauro almario
- nanalo sa patimpalak
- lumabas sa pahayagang “ang mithi”
Sumilang ang Liwayway at ang dagli ay naging kwento.
·         Clodualdo del Mundo
- nagsimulang mamina ng kwento sa kanyang Parolang Ginto
·         Alejandro Abadilla
- Talaang Bughaw
·         Deogracias Rosario
- ama ng maikling kwentong Tagalog

Kuwentong Komersyal – sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay pinagugatan ng maikling katha.

·         Ang Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino – koleksyon ng mabubuting kwento
·         G. Agoncillo – nagsabing taglay ng mga yon ang:
1.       Katimpian sa pagtalakay ng paksa
2.       Pamamayani ng panloob na pangyayaring madula
3.       Kawalan ng banghay ng mga kwento
4.       Pagpaksa sa mga bagay o pangyayaring winalang-kabuluhan ng lumang paaralan
5.       Pagtatangkang magkaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay
6.       Kalawakan ng panigin ng mga manunulat ngunit kawalan ng kabatiran sa mabibisang damdamin at kaisipan
7.       Magandang kapayakan ng mga pangungusap na hindi mabulaklak at hindi umuulit sa pananalitang hapo na sa madalas ng pagkakagamit
8.       Di maiwaiwasang paghanay ng mga pangungusap ng himig-Ingles

·         Mga Kwentong Ginto
- Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo
- naglalaman ng mabubuting kwento

·         50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista
- sumunod sa Mga Kwentong Ginto

·         Mga Piling Katha
- G. G. Abadilla

6 comments: