Sunday, July 29, 2012

HISTORY: Pag-usbong ng kabihasnan sa mundo


PAGUSBONG NG KABIHASNAN SA MUNDO

KATUTURAN NG KABIHASNAN
·         Kabihasnan – ay tumutukoy sa mataas na lebel ng pamumuhay ng tao. Mga elemento:
1.       Pamahalaan
2.       Ekonomiya
3.       Teknolohiya
4.       Relihiyon
5.       Sistema ng Pagsulat

MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
1.       Mesopotamia – lambak Tigris-Euphrates
2.       Egyptian – ilog lambak Nile
3.       Indus – Indus river
4.       Tsino – lambak ng Huang ho river

KABIHASNANG MESOPOTAMIA
- “mesos” “potamos” – pagitan ng dalawang ilog
- kanlurang bahagi ng asya
- karaniwang mga kabundukan at disyerto
- Fertile Crescent – nasa pagitan ng Persian Gulf at Mediterranean Sea. Hugis crescent at may mainam na lupain para sa pagsasaka.

SUMERIAN
·         May matataas na bakod
·         Bahay na yari sa tuyong luwad
·         Ziggurat – bahay sambahan
·         Politeismo – madaming diyos
·         Gulong, 360 circle, minute-hour ng oras
·         Cuneiform – nagsimula sa pictograph. Gamit ang stylus at clay tablet. Scribes ang tawag sa mga dalubhasa dito.

AKKADIAN
·         Hindi nagkakaisa ang mga lungsod estado
·         Naging unang emperyo
·         Haring Sargon – pinagkaisa ang mga lungsod estado sa Mesopotamia

BABYLONIAN
·         Amorite – nandayuhan at nanakop. Nagtatag ng imperyong Babylonia.
·         Babylon – kabisera
·         Hammurabi – sa kanyang pamamahala, umunlad ang pamumuhay. Napalawak ang imperyo mula Persian Gulf hanggang Mediterranean Sea. May kodigo ng batas na “mata sa mata, ngipin sa ngipin”

ASSYRIAN
·         Mula sa hilagang bahagi ng lambak Tigris
·         Mahusay sa pakikidigma at itinuturing bilang pinakamalulupit na tao
1.       Tiglath Pileser – nagtatag
2.       Tiglath Pileser III – sumakop sa Syria, Armenia
3.       Sennacherib – sumakop ng 89 lungsod at mahigit 800 pamayanan
4.       Ashurbanipal – unang aklatan
CHALDEAN
·         Nabopolassar – nagtatag
·         Babylon – kabisera
·         “Ikalawang Imperyong Babylonian”
·         Nebuchadnezzar – pinakadakilang hari. Ipinaukit ang kanyang pangalan sa mga pader
·         May matataas na pader ang Babylon
·         Magagarang palasyo at Ziggurat
·         Bumagsak nang mapasakamay ito ng mga Persiyano sa pangunguna ni Haring Cyrus
·         Hanging Garden – sa Babylon. Kasama sa 7 wonders of the world. Inialay ni Nebuchadnezzar sa kanyang asawang si Amytis. Ang gusali ay may mga puno at bulaklak. 

No comments:

Post a Comment