Monday, October 8, 2012

HISTORY: Pagbagsak ng Imperyong Roman


Pagbagsak ng Imperyong Roman
·         Romulus Augustulus – huling emperador ng Rome
·         Marcus Aurelius – nagsimula ang paghina pagtapos ng kanyang panunungkulan at maging emperador ang kanyang anak

Krisis Pampulitika
·         Commodus – anak ni Marcus.
-          Malupit at mahinang pinuno
·         Ang mga sumunod na naging emperador ay walang kakayahan na malutas ang mga suliraning kinaharap ng imperyo

Krisis Pang-ekonomiya
·         Ang pag-angkat ng labis na produktong asyano mula sa China, India, at Arabia ang nagpaubos sa kayamanan ng imperyo
·         Hindi naging mabuti ang ani ng mga produktong agricultural. Tumaas ang buwis na binabayaran ng magsasaka.

Krisis Panlipunan
·         Itinaas ang buwis ng mga manggagawa.
·         Bumaba ang lebel ng pagiging makabayan ng mga Roman at mas pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing nakabubuti lamang para sa sarili

Krisis Pangmilitar
·         Humina ang kakayahan ng mga sundalo na ipagtanggol ang imperyo sa mga barbarian
·         Barbarian – lahat ng taong hindi Roman
·         Mercenaries – papalit sa mga sundalong Roman na kabilang sa legion. Dayuhang sundalo na naglilingkod sa imperyo kapalit ng kabayaran

Mga Isinagawang Reporma ng mga Emperador
Si Diocletian
Mga Nagawa
1.       Pinalakas ang hukbong sandatahan
2.       Ipinatupad ang pagtakda ng presyo sa produkto
3.       Ipinag-utos na bumalik sa kani-kanilang lupain ang mga magsasaka at manatili ang manggagawa sa kanilang hanapbuhay
4.       Pinarusahan ang mga Kristiyano
·         Hinati ang imperyo sa 2 bahagi
-          Silangang Imperyong Roman(Diocletian): Greece, Anatolia, Syria, Egypt
-          Kanlurang Imperyong Roman(Maximian): Italy, Spain, Gaul, Britannia
·         Nagkasakit. Pagkatapos ng 6 na taon, naluklok si Constantine

Si Constantine
·         Ipinagpatuloy ang mga reporma ni Diocletian maliban sa pagpapahirap sa mga Kristiyano
·         Byzantium – isang lungsod na Greek sa Anatolia
-          Naging kabisera ng Imperyong Roman
-          Bagong Rome
-          Malapit sa Bosporus Strait
-          Pinaliligiran ng matataas na pader
-          Naging Constantinople o “lungsod ni Constantine”

Ang mga Barbarian
·         Mga kagubatan sa hilaga ng Rhine River at Danube River – dito naninirahan ang barbarians
·         Ostrogoth, Visgoth, Frank, Angle, Saxon, Burgundian, Vandal – pangkat ng mga German na nagtungo sa imperyong Roman

Ang mga Hun
·         Hun – pangkat ng mga nomadikong Mongol na nagmula sa gitnang asya
-          Nananakop kung saan lahat ng kanilang napupuntahan ay kanilang sinisira
-          Nakapunta sa Rhine at Danube
·         Ang patuloy na pananakop ng Hun sa Europe ang nagbigay daan ng pagtungo ng mga pangkat Germanic sa imperyo

Pananakop ng mga Barbarian
408 – tumawid ng Alps ang mga Visigoth sa pamumuno ni Alaric
444 – mahigit 100,000 sa Hun sa pamumuno ni Attila ang umatake sa imperyo. Sinira nila ang halos 70 lungsod
452 – tinangkang lusubin ng mga Hun ang Rome ngunit nakaranas ng salot at sakit sa hilagang Italy
455 – pinangunahan ni Gaiseric ang mga Vandal sa pananakop sa Rome. Sinunog ang buong lungsod
·         Ilang lungsod ng Gaul at Spain – napasakamay ng mga Visigoth
·         Britannia – dito nakarating ang mga Saxon at Angle
·         Odoacer – 14 y/o emperor na namuno sa mga barbarian sa pagpapatalsik kay Romulus augustulus 

No comments:

Post a Comment