Monday, October 8, 2012

HISTORY: Pag-usbong at Paglaganap ng Kristiyanism


Si Hesus, ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo
·         Kristiyanismo – “kristo” – taguri kay Hesus
·         Bagong Tipan ng Bibliya – apat na aklat; matatagpuan ang buhay ni Hesus.
·         Ebanghelyo – mabuting balita. Taguri sa mga aklat sa Bagong Tipan.
·         Bethlehem sa Judea – dito ipinanganak si Hesus. Isang lalawigan ng Imperyong Roman
·         Mga Magulang:
1.       Jose – karpinterong mula sa lahi ni David
2.       Maria – naglihi makaraang dalawin ng anghel na si Gabriel
·         Nazareth – hilagang bahagi ng Palestine. Dito lumaki si Hesus.
·         30 years old – nagsimulang mangaral si Hesus sa Galileo at Jerusalem

Ang mga aral at Katuruan ni Hesus
·         Katulad din sa Judaism
1.       Paniniwala sa iisang diyos
2.       Pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos na binigay kay Moses
·         Binigyang diin na ang Diyos na tinatawag na “ama” ay mapagmahal at maawaing Diyos. Siya rin ang Diyos ng lahat ng tao. Ang paniniwalang ito ay nagluklok sa Kristiyanismo bilang isang pangkalahatang relihiyon na hindi pumapanig sa isang pangkat na tao lamang.
·         Dapat mahalin ang kapwa at ang kaaway.
·         Hindi dapat gawin sa iba ang ayaw gawin sayo.
·         12 alagad – pinili ni Hesus na maging kasama nya sa paglalakbay
·         Mesiyas o tagapagligtas – Kristo

Ang Pagpako sa Krus
·         Katanyagan ni Hesus – naging banta sa mga opisyal ng Roman
·         Pontius Pilate – gobernador noong panahon ni Hesus na nagpadakip kay Hesus
·         Si Hesus ay nabuhay matapos ang tatlong araw
·         Hesukristo – tawag kay Hesus. Kristo ay nagmula sa “Christos”(greek) na ibig sabihin ay mesiyas o tagapagligtas

Ang Paglaganap ng Kristiyanismo sa Imperyo
·         Syria at Palestine – dito ipinalaganap ang mga katuruan ni Hesus
·         Krus – simbolo ng Kristiyanismo
·         Paul – isa sa pinakatanyag na misyonerong nagpalaganap ng Kristiyanismo.
-          Dating kalaban ng mga Kristiyano.
-          Habang naglalakbay siya sa Damascus sa Syria, nagpakita sa kanya si Hesus.
-          Siya ay mahusay sa Latin at Greek.
-          Binigyang diin na ang pagkamatay ni Hesus sa krus ay upang mailigtas ang nagkasala
-          Siya ay pinatay kasama ang ibang kristiyano

Pagmamalupit at Pagtanggap sa mga Kristiyano
·         Ang paniniwala ng mga Kristiyano sa iisang diyos at pagwalang bahala sa mga diyos at diyosa ng Roman ay pagsuway sa emperador
·         Libo-libong Kristiyano ang pinahirapan at pinatay sa pamamagitan:
-          Pagsunog nang buhay
-          Pagpapakain sa mga mababangis na hayop
·         Nero – ibinintang sa mga Kristiyano ang malaking sunog sa Rome
·         Catacomb – lugar na nasa ilalim ng lupa na nagsisilbing libingan ng mga yumao. Dito sumasamba ang mga Kristiyano
·         Tumagal ang pagmamalupit ng 250 taon.
·         Martir – mga Kristiyanong naging biktima ng pagpapahirap ng mga Roman. Mga taong nagbuwis ng buhay para sa pananampalataya.
·         Constantine – natatanging pinunong tinanggap ang Kristiyano sa Imperyong Roman
-          Habang naghahandang salakayin ang Rome, nakita nya ang isang krus na may “in hoc signo vinces” na ibig sabihin “sa pamamahitan ng simbolong ito, ikaw ay magtatagumpay”
-          Nagpalabas ng kautusan na Edict of Milan – nagsaad ng pagtanggap sa Kristiyanismo
·         Theodosius – ginawa niyang opisyal at nag-iisang relihyon ang Kristiyanismo

Ang Simbahang Kristiyano
·         Papa sa Roma – pinakamataas na pinuno
·         Obispo – nangangasiwa sa lokal na simbahan
·         Pari – namamahala sa parokya
·         Monghe – Kristiyanong nagnais na habambuhay na maglingkod sa simbahan at ihiwalay ang kanilang mga sarili sa ibang tao
·         Monasteryo – dito naninirahan ang monghe
·         Benedict – tanyag na monghe na nagtatag ng orden (pangkat ng mga kaparian) na tinawag na Benedictine
·         Nagpatawag si Constantine ng pulong na dinaluhan ng mga pinuno ng simbahan
·         Nicaea – malapit sa Constantinople sa Anatolia. Dito ginanap ang pulong at sinulat ang Nicene Creed.
·         Nicene Creed – tumalakay sa pangkalahatang paniniwala ng simbahan. Binigyang diin ang paniniwala na si Hesus ay anak ng Diyos. Ang mga aral at katuruan ng Judaism ay nasa Lumang Tipan. Nasa Bagong Tipan ang buhay ni Hesus.
·         Mga ama ng simbahan” – Kristiyanong manunulat at iskolar
·         Augustine – Obispo ng Hippo sa Hilagang Africa. Sumulat ng City of God.
·         Jerome – may-akda ng Vulgate (bibliyang Latin)

No comments:

Post a Comment