Showing posts with label history. Show all posts
Showing posts with label history. Show all posts

Monday, October 8, 2012

HISTORY: Pagbagsak ng Imperyong Roman


Pagbagsak ng Imperyong Roman
·         Romulus Augustulus – huling emperador ng Rome
·         Marcus Aurelius – nagsimula ang paghina pagtapos ng kanyang panunungkulan at maging emperador ang kanyang anak

Krisis Pampulitika
·         Commodus – anak ni Marcus.
-          Malupit at mahinang pinuno
·         Ang mga sumunod na naging emperador ay walang kakayahan na malutas ang mga suliraning kinaharap ng imperyo

Krisis Pang-ekonomiya
·         Ang pag-angkat ng labis na produktong asyano mula sa China, India, at Arabia ang nagpaubos sa kayamanan ng imperyo
·         Hindi naging mabuti ang ani ng mga produktong agricultural. Tumaas ang buwis na binabayaran ng magsasaka.

Krisis Panlipunan
·         Itinaas ang buwis ng mga manggagawa.
·         Bumaba ang lebel ng pagiging makabayan ng mga Roman at mas pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing nakabubuti lamang para sa sarili

Krisis Pangmilitar
·         Humina ang kakayahan ng mga sundalo na ipagtanggol ang imperyo sa mga barbarian
·         Barbarian – lahat ng taong hindi Roman
·         Mercenaries – papalit sa mga sundalong Roman na kabilang sa legion. Dayuhang sundalo na naglilingkod sa imperyo kapalit ng kabayaran

Mga Isinagawang Reporma ng mga Emperador
Si Diocletian
Mga Nagawa
1.       Pinalakas ang hukbong sandatahan
2.       Ipinatupad ang pagtakda ng presyo sa produkto
3.       Ipinag-utos na bumalik sa kani-kanilang lupain ang mga magsasaka at manatili ang manggagawa sa kanilang hanapbuhay
4.       Pinarusahan ang mga Kristiyano
·         Hinati ang imperyo sa 2 bahagi
-          Silangang Imperyong Roman(Diocletian): Greece, Anatolia, Syria, Egypt
-          Kanlurang Imperyong Roman(Maximian): Italy, Spain, Gaul, Britannia
·         Nagkasakit. Pagkatapos ng 6 na taon, naluklok si Constantine

Si Constantine
·         Ipinagpatuloy ang mga reporma ni Diocletian maliban sa pagpapahirap sa mga Kristiyano
·         Byzantium – isang lungsod na Greek sa Anatolia
-          Naging kabisera ng Imperyong Roman
-          Bagong Rome
-          Malapit sa Bosporus Strait
-          Pinaliligiran ng matataas na pader
-          Naging Constantinople o “lungsod ni Constantine”

Ang mga Barbarian
·         Mga kagubatan sa hilaga ng Rhine River at Danube River – dito naninirahan ang barbarians
·         Ostrogoth, Visgoth, Frank, Angle, Saxon, Burgundian, Vandal – pangkat ng mga German na nagtungo sa imperyong Roman

Ang mga Hun
·         Hun – pangkat ng mga nomadikong Mongol na nagmula sa gitnang asya
-          Nananakop kung saan lahat ng kanilang napupuntahan ay kanilang sinisira
-          Nakapunta sa Rhine at Danube
·         Ang patuloy na pananakop ng Hun sa Europe ang nagbigay daan ng pagtungo ng mga pangkat Germanic sa imperyo

Pananakop ng mga Barbarian
408 – tumawid ng Alps ang mga Visigoth sa pamumuno ni Alaric
444 – mahigit 100,000 sa Hun sa pamumuno ni Attila ang umatake sa imperyo. Sinira nila ang halos 70 lungsod
452 – tinangkang lusubin ng mga Hun ang Rome ngunit nakaranas ng salot at sakit sa hilagang Italy
455 – pinangunahan ni Gaiseric ang mga Vandal sa pananakop sa Rome. Sinunog ang buong lungsod
·         Ilang lungsod ng Gaul at Spain – napasakamay ng mga Visigoth
·         Britannia – dito nakarating ang mga Saxon at Angle
·         Odoacer – 14 y/o emperor na namuno sa mga barbarian sa pagpapatalsik kay Romulus augustulus 

HISTORY: Pag-usbong at Paglaganap ng Kristiyanism


Si Hesus, ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo
·         Kristiyanismo – “kristo” – taguri kay Hesus
·         Bagong Tipan ng Bibliya – apat na aklat; matatagpuan ang buhay ni Hesus.
·         Ebanghelyo – mabuting balita. Taguri sa mga aklat sa Bagong Tipan.
·         Bethlehem sa Judea – dito ipinanganak si Hesus. Isang lalawigan ng Imperyong Roman
·         Mga Magulang:
1.       Jose – karpinterong mula sa lahi ni David
2.       Maria – naglihi makaraang dalawin ng anghel na si Gabriel
·         Nazareth – hilagang bahagi ng Palestine. Dito lumaki si Hesus.
·         30 years old – nagsimulang mangaral si Hesus sa Galileo at Jerusalem

Ang mga aral at Katuruan ni Hesus
·         Katulad din sa Judaism
1.       Paniniwala sa iisang diyos
2.       Pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos na binigay kay Moses
·         Binigyang diin na ang Diyos na tinatawag na “ama” ay mapagmahal at maawaing Diyos. Siya rin ang Diyos ng lahat ng tao. Ang paniniwalang ito ay nagluklok sa Kristiyanismo bilang isang pangkalahatang relihiyon na hindi pumapanig sa isang pangkat na tao lamang.
·         Dapat mahalin ang kapwa at ang kaaway.
·         Hindi dapat gawin sa iba ang ayaw gawin sayo.
·         12 alagad – pinili ni Hesus na maging kasama nya sa paglalakbay
·         Mesiyas o tagapagligtas – Kristo

Ang Pagpako sa Krus
·         Katanyagan ni Hesus – naging banta sa mga opisyal ng Roman
·         Pontius Pilate – gobernador noong panahon ni Hesus na nagpadakip kay Hesus
·         Si Hesus ay nabuhay matapos ang tatlong araw
·         Hesukristo – tawag kay Hesus. Kristo ay nagmula sa “Christos”(greek) na ibig sabihin ay mesiyas o tagapagligtas

Ang Paglaganap ng Kristiyanismo sa Imperyo
·         Syria at Palestine – dito ipinalaganap ang mga katuruan ni Hesus
·         Krus – simbolo ng Kristiyanismo
·         Paul – isa sa pinakatanyag na misyonerong nagpalaganap ng Kristiyanismo.
-          Dating kalaban ng mga Kristiyano.
-          Habang naglalakbay siya sa Damascus sa Syria, nagpakita sa kanya si Hesus.
-          Siya ay mahusay sa Latin at Greek.
-          Binigyang diin na ang pagkamatay ni Hesus sa krus ay upang mailigtas ang nagkasala
-          Siya ay pinatay kasama ang ibang kristiyano

Pagmamalupit at Pagtanggap sa mga Kristiyano
·         Ang paniniwala ng mga Kristiyano sa iisang diyos at pagwalang bahala sa mga diyos at diyosa ng Roman ay pagsuway sa emperador
·         Libo-libong Kristiyano ang pinahirapan at pinatay sa pamamagitan:
-          Pagsunog nang buhay
-          Pagpapakain sa mga mababangis na hayop
·         Nero – ibinintang sa mga Kristiyano ang malaking sunog sa Rome
·         Catacomb – lugar na nasa ilalim ng lupa na nagsisilbing libingan ng mga yumao. Dito sumasamba ang mga Kristiyano
·         Tumagal ang pagmamalupit ng 250 taon.
·         Martir – mga Kristiyanong naging biktima ng pagpapahirap ng mga Roman. Mga taong nagbuwis ng buhay para sa pananampalataya.
·         Constantine – natatanging pinunong tinanggap ang Kristiyano sa Imperyong Roman
-          Habang naghahandang salakayin ang Rome, nakita nya ang isang krus na may “in hoc signo vinces” na ibig sabihin “sa pamamahitan ng simbolong ito, ikaw ay magtatagumpay”
-          Nagpalabas ng kautusan na Edict of Milan – nagsaad ng pagtanggap sa Kristiyanismo
·         Theodosius – ginawa niyang opisyal at nag-iisang relihyon ang Kristiyanismo

Ang Simbahang Kristiyano
·         Papa sa Roma – pinakamataas na pinuno
·         Obispo – nangangasiwa sa lokal na simbahan
·         Pari – namamahala sa parokya
·         Monghe – Kristiyanong nagnais na habambuhay na maglingkod sa simbahan at ihiwalay ang kanilang mga sarili sa ibang tao
·         Monasteryo – dito naninirahan ang monghe
·         Benedict – tanyag na monghe na nagtatag ng orden (pangkat ng mga kaparian) na tinawag na Benedictine
·         Nagpatawag si Constantine ng pulong na dinaluhan ng mga pinuno ng simbahan
·         Nicaea – malapit sa Constantinople sa Anatolia. Dito ginanap ang pulong at sinulat ang Nicene Creed.
·         Nicene Creed – tumalakay sa pangkalahatang paniniwala ng simbahan. Binigyang diin ang paniniwala na si Hesus ay anak ng Diyos. Ang mga aral at katuruan ng Judaism ay nasa Lumang Tipan. Nasa Bagong Tipan ang buhay ni Hesus.
·         Mga ama ng simbahan” – Kristiyanong manunulat at iskolar
·         Augustine – Obispo ng Hippo sa Hilagang Africa. Sumulat ng City of God.
·         Jerome – may-akda ng Vulgate (bibliyang Latin)

HISTORY: Ang Rome Bilang Isang Imperyo


Ang Rome Bilang Isang Imperyo
Si Augustus Caesar
·         Augustus – kaniyang kadakilaan
·         Princeps – “unang mamamayan”
·         Praetorian Guard – pinakamahuhusay na mga mandirigma na magtatanggol sa kanya
·         Pax Romana – panahon ng katahimikan at kasaganahan ng mga tao
-          Tumagal ng 200 taon

Ang mga naging Emperador ng Pax Romana
1.       Tiberius
-          Mabuting pinuno
-          Sistema ng pagbubuwis
2.       Caligula
-          Maayos sa simula
-          Inubos ang kaban ng yaman ng imperyo
-          Idineklara ang sarili bilang diyos at nagpagawa ng templo
-          Pinatay ng kanyang sundalo
3.       Claudius
-          Naging lalawigan ng Rome ang malaking bahagi ng England
-          Pagkamamamayan ng mga tao sa labas ng Italy
4.       Nero
-          Masamang pinuno
-          Pinaslang ang kanyang ina at asawa
-          Nagpatiwakal nang mag-alsa ang hukbong Roman
5.       Vespasian, Titus Domitian
-          Binigyan ng pagkakataon ang mga taga-lalawigan na mapabilang sa Senado
-          Mas pinaunlad ang Rome
-          Ipinagawa ang Colosseum
6.       Nerva
-          Mananananggol at mabuting pinuno
-          Matalinong paraan ng pagpili sa susunod na magiging emperador ng Rome
7.       Trajan
-          Hinirang ni Nerva na maging pinuno
-          Nakamit ng imperyo ang pinakamalawak na imperyong sakop
-          Spanish Emperor
-           
8.       Hadrian
-          Pangangalaga sa hangganan
-          Hindi pinahalagahan ang mga lupain na nasakop ni Trajan sa silangan ng Euphrates River
-          Naglakbay sa Great Britain at nagpagawa ng Hadrian Wall
-          Pagtatangi sa kulturang Greek
9.       Antoninus Pius
-          Pinakamapayapa sa lahat
-          Nagpagawa ng mga kalsada
-          Pinaunlad ang kalakalan sa Gaul, Germany, Russia, at China
-          Nagpatayo ng mga paaralan
10.   Marcus Aurelius
-          Huling emperador ng Pax Romana
-          Iskolar at pilosopo
-          Binigyang diin ang Stoicism
-          Ipinagtanggol ang imperyo laban sa pananalakay ng mga dayuhang mula sa hilaga at silangang hangganan nito
-          Scholarly emperor

Ang Imperyo sa Panahon ng Pax Romana
Ang Rome
·         Rome – pangunahing kabisera at pinakamaunlad na lungsod
-          Sentro ng pamahalaan, kabuhayan, kultura
-          May mga gusali, templo, stadium, tulay
·         Aqueduct – nagsilbing daanan ng tubig mula sa mga ilog patungo sa lungsod

Batas ng Imperyo
·         Kodigo ng mga batas – pinakadakilang ambag ng mga Roman
·         Juris prudentes – mga dalubhasa sa batas
·         Ang isang tao ay mananatiling inosente hangga’t hindi napatutunayang nagkasala

Lipunang Roman
·         Aristokratiko – pinakamataas na pangkat ng tao
-          Emperador at pamilya, senador at opisyal, mayayamang pamilya
·         Pamilya – pinakamahalagang yunit

Panahanan
·         Karaniwan na isang palapag
·         Atrium – malaking silid. Makikita dito ang silid-tulugan at ang kusina

Libangan
·         Thermae – pampublikong paliguan
-          May silid-aklatan, hardin, gymnasium
·         Chariot Racing – ginagawa sa Circus Maximus (isang habilog na gusali, 200 000 katao)
·         Paglalaban ng mga gladiator

Relihiyon
DIYOS
Greek
Roman
Pangunahin
Zeus
Jupiter
Reyna
Hera
Juno
Karagatan
Poseidon
Neptune
Apoy
Hephaestus
Vulcan
Araw
Phoebus Apollo
Phoebus Apollo
Digmaan
Ares
Mars
Agrikultura
Demeter
Ceres
Buwan
Artemis
Diana
Pagibig, kagandahan
Aphrodite
Venus
Katalinuhan, digmaan
Pallas Athena
Minerva
Kailaliman ng mundo
Hades
Pluto

Wikang Latin
·         Lumaganap ang wikang Latin sa buong imperyo.
·         Dito rin nagmula ang French, Spanish, Portuguese at Romanian

Siyensiya at Medisina
·         Pliny, the Elder – manunulat, Roman Naturalist
-          May-akda ng Historia Naturalis na naglalaman ng mga datos ukol sa astronomy, botany, heograpiya at medisina
·         Galen – sumulat ng encyclopedia ukol sa medisina at pagdadalubhasa sa pag-aaral ng mga bahago ng katawan ng tao
·         Nagpatayo ng mga pagamutan

Arkitektura
·         Mga gusaling hugis-arko
·         Colosseum – isa sa pinakatanyag na gusali
-          “colossus” – lubhang malaki
-          Pinakamalaking ampitheater
-          Kasing hugis ng football stadium
-          45 000 katao

Panitikan
·         Cicero – pinakatanyag na manunulat ng Latin Prose. Karaniwang tumatalakay sa pulitika at ugali ng tao
·         Virgil – pinakadakilang makata na nabuhay sa panahon ni Augustus Caesar
-          Aeneid – pinakamahalagang akda. Tumatalakay kay Aeneas, isang Trojan na nagtungo sa Italy upang manirahan
·         Horace – sumulat ng mga tula ng papuri
·         Livy at Tacitus – sumulat ng kasaysayan

HISTORY: ang kaguluhan sa republika ng rome


ANG KAGULUHAN SA REPUBLIKA NG ROME
Mga Suliraning Kinaharap ng Republika
·         Maraming Roman ang nalugi
·         Maraming sakahan at pananim ang nasira
·         Marami ang nawalan ng sakahan. Latifundia – pinagsama samang lupaing pangsakahan
·         Marami ang nagtungo sa lungsod ng Rome ngunit mas naghirap
·         Napilitang ipagbili ng mga magsasaka ang kanilang maliit na taniman
·         Lumiit ang pagkakataon na makahanap ng trabaho ang mga Roman
·         Naging abala ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapayaman

Ang Mga Repormista at Heneral
·         Tiberius at Gaius – magkapatid na Gracchus
-          Nagmungkahi at nagsagawa ng mga reporma upang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan
-          Nasawi sa riot

Ang Mga Heneral
·         Gaius Marius
·         Lucius Cornelius Sulla – nagdeklara ng digmaan laban kay Marius. Siya’y nagwagi at itinanghal bilang diktador

Pamamahala ni Julius Caesar
Unang Triumvirate
·         Pompey – tanyag na heneral ng rome
·         Crassus – mayamang Roman
·         Julius Caesar – pinunong militar
-          Nahalal bilang konsul
-          Pinangunahan niya ang isang hukbo sa pagsakop sa Gaul. Naluklok siya bilang gobernador ng lugar.
-          Gallic Wars – dito nya isinulat ang pakikidigma at pagsalakay nya sa Britain
-          Pagdating sa Rubicon River, sinabi niya na “The die is cast”
-          “veni vidi vici” – I came, I saw, I conquered
-          Pataksil na pinatay nila Gaius Cassius at Marcus Brutus

Ang Pagwawakas ng Republikang Rome
Pangalawang Triumvirate
·         Mark Antony – heneral
·         Lepidus – pulitiko. Nagretiro sa pwesto
·         Octavian – apo sa pamangkin ni Julius Caesar

·         Actium, Greece – dito naglaban ang hukbo nina Octavian at Mark Antony kasama si Cleopatra
·         Bumalik sila Mark at Cleopatra sa Egypt
·         Bumalik sa Rome si Octavian at idineklarang emperador ng Rome at binigyan ng pangalang Augustus (kanyang kadakilaan)
·         Ang pagkakaluklok kay Octavian ang nagbigay wakas sa Republika ng Rome