Thursday, September 6, 2012

HISTORY: Sinaunang Rome


KALAGAYANG HEOGRAPIKAL
Italy
·         Kanlurang bahagi ng Balkan Peninsula
·         Timog ng Europe
·         Hugis – bota
·         Hilaga – Bulubundukin ng alps
Kanluran – Tyrrhenian Sea
Silangan – Adriatic Sea
Timog – Mediterranean Sea
·         Tiber River – nagmumula sa kabundukan ng appenines. Nagbibigay ng buhay sa matabang kalupaan ng rehiyon.

PINAGMULAN NG ROME
MAALAMAT
·         Aeneas – isang Trojan
-          Nagtungo sa Italy pagkaraang bumagsak ang Troy sa kamay ng mga Greek.
-          Nagtatag ng lungsod malapit sa Rome.
·         May dalawang magkapatid na nagkaroon ng alitan kung sino ang mamamahala.
·         Iniutos ng nagwaging kapatid na ipatapon ang kambal na apo sa Tiber River. Sinasabing Iniligtas at inalagaan ang kambal ng isang lobo.
·         Romulus at Remus – kambal. Itinatag nila ang isang lungsod na tinawag na Rome bilang karangalan kay Romulus na naging unang hari.
-          Anak ng diyos na si Mars at prinsesang Latin
HISTORIKAL
·         May tatlong pangkat ng taong nanirahan sa Italy
1.       Latin (Roman) – gitnang Italy
2.       Etruscan – hilagang Italy
3.       Greek – timog Italy at Sicily. Nakapagtatag ng kolonya sa rehiyon.
·         Pinag-isa ng mga Latin ang iba pang pangkat ng tao sa Italy at itinatag ang Rome
·         Etruscan – sinakop ang Rome. May mataas na antas ng pamumuhay. Mahusay sa pagsasaka, paggawa ng gusali, pangangalakal

ANG REPUBLIKA NG ROME
·         Res publika – republika (Latin)
·         Patrician – maharlikang nagmamay-ari ng lupain
-          Pinuno sa Republika ng Rome
·         Plebeian – karaniwang tao: magsasaka, manggagawa
·         Diktador – pinipili ng 2 konsul pag may gulo
-          Mamamahala sa loob ng anim na buwan
·         Mga pagbabago:
-          Itinatag ang ang asemblea
-          Twelve Tables – kodigo ng mga batas
-          Tinanggal ang sistema ng pangaalipin
-          Pwedeng mag-asawa ang patrician ng plebeian
-          Pantay na karapatan ng patrician at plebeian

PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG ROMAN
·         Kailangang maglingkod ng patrician at plebeian sa hukbo.
·         Legion – pangkat sa hukbo
·         Italy – unti unting sinakop ng Rome

DIGMAANG PUNIC
·         Punicus – taguri ng Roman sa Phoenician
·         Magaling ang Roman sa kalakalang pandagat
·         Carthage – naging katunggali ng Rome
-          Maunlad na lungsod sa Africa
-          Itinatag ng Phoenician
·         Nagkaroon ng tunggalian ang Rome at Carthage dahil gusto ng dalawang pangkat na kontrolin ang rutang pangkalakalan sa Mediterranean

UNANG DIGMAANG PUNIC
Sanhi: Mahigpit na katunggali  ng Rome ang Carthage sa kalakalan.
Bunga: Nagwagi ang Roman. Nakamit nila ang Sicily na naging unang lalawigan ng Rome na hindi kabilang sa tangway ng Italy

IKALAWANG DIGMAANG PUNIC
Sanhi: Nagpasya si Hannibal (heneral na Carthaginian) na salakayin ang Rome
Pangyayari: Naglakbay sila Hannibal mula Spain patungong kabundukan ng Pyrenees, Gaul (France) at bulubundukin ng Alps. Naganap ang unang sagupaan sa Cannae. Nagwagi ang Carthaginian.
Sinalakay ni Sipio (heneral ng Rome) ang Carthage. Nagtungo sila Hannibal sa Africa ngunit nabigo sa labanan sa Zama.
Bunga: Nagwagi ang Rome at tumakas si Hannibal

IKATLONG DIGMAANG PUNIC
Sanhi: Tuluyan nang napabagsak ang Carthage
Pangyayari: Iminungkahi ni Cato na isang senador na nararapat na wasakin ang Carthage. Sinalakay ng Rome ang Carthage.
Bunga: Nagwagi ang Roman. Sinunog ang buong lungsod at ipinagbili bilang alipin ang Carthaginian

Nagtagumpay na mapabilang sa teritoryo ng Rome:
-          Macedonia
-          Greece
-          Kanlurang bahagi ng asia minor
Naging pinakamakapangyarihang lungsod sa buong rehiyon ng Mediterranean ang Rome.

No comments:

Post a Comment