Monday, October 8, 2012

HISTORY: ang kaguluhan sa republika ng rome


ANG KAGULUHAN SA REPUBLIKA NG ROME
Mga Suliraning Kinaharap ng Republika
·         Maraming Roman ang nalugi
·         Maraming sakahan at pananim ang nasira
·         Marami ang nawalan ng sakahan. Latifundia – pinagsama samang lupaing pangsakahan
·         Marami ang nagtungo sa lungsod ng Rome ngunit mas naghirap
·         Napilitang ipagbili ng mga magsasaka ang kanilang maliit na taniman
·         Lumiit ang pagkakataon na makahanap ng trabaho ang mga Roman
·         Naging abala ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapayaman

Ang Mga Repormista at Heneral
·         Tiberius at Gaius – magkapatid na Gracchus
-          Nagmungkahi at nagsagawa ng mga reporma upang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan
-          Nasawi sa riot

Ang Mga Heneral
·         Gaius Marius
·         Lucius Cornelius Sulla – nagdeklara ng digmaan laban kay Marius. Siya’y nagwagi at itinanghal bilang diktador

Pamamahala ni Julius Caesar
Unang Triumvirate
·         Pompey – tanyag na heneral ng rome
·         Crassus – mayamang Roman
·         Julius Caesar – pinunong militar
-          Nahalal bilang konsul
-          Pinangunahan niya ang isang hukbo sa pagsakop sa Gaul. Naluklok siya bilang gobernador ng lugar.
-          Gallic Wars – dito nya isinulat ang pakikidigma at pagsalakay nya sa Britain
-          Pagdating sa Rubicon River, sinabi niya na “The die is cast”
-          “veni vidi vici” – I came, I saw, I conquered
-          Pataksil na pinatay nila Gaius Cassius at Marcus Brutus

Ang Pagwawakas ng Republikang Rome
Pangalawang Triumvirate
·         Mark Antony – heneral
·         Lepidus – pulitiko. Nagretiro sa pwesto
·         Octavian – apo sa pamangkin ni Julius Caesar

·         Actium, Greece – dito naglaban ang hukbo nina Octavian at Mark Antony kasama si Cleopatra
·         Bumalik sila Mark at Cleopatra sa Egypt
·         Bumalik sa Rome si Octavian at idineklarang emperador ng Rome at binigyan ng pangalang Augustus (kanyang kadakilaan)
·         Ang pagkakaluklok kay Octavian ang nagbigay wakas sa Republika ng Rome

No comments:

Post a Comment